Archive for May, 2005

Goldfish craze!!!

Tuesday, May 31st, 2005

Pagkatapos kong mahumaling sa lobster at kung anu-ano pang mga aquatic species, parang bumabalik uli ang hilig ko sa dati kong minahal na isda…Ang Goldfish. Medyo matagal tagal na din noong hindi ako nag alaga ng Goldfish. Kaya itinigil ko ang pag aalaga kasi ang daling mamatay. Akala ko pa dati ang lifespan ng Goldfish in captivity ay 4 years lang kumpara sa mga koi na pwedeng umabot ng One hundred years (ayon sa nabasa ko sa dyaryo. Ala pame internet noon.)
Bumalik uli ang pagkahumaling ko sa Goldfish noong bumili ako ng March Issue ng Animal Scene. Noong una hindi ko gaano pinansin ang article tungkol sa Ryukin Goldfish kasi nga akala ko madaling mamatay.Hanggang sa nagbakasyon na. Wala akong magawa sa bahay kaya nagbasa-basa ako ng mga past issues ng Animal Scene. Sinubukan kong basahin ang tungkol sa Goldfish. NAmangha ako samga picture ng bagong uri ng Ryukin Goldfish. At ayon pa sa breeder na tiga dito lang sa Pilipinas, madali daw itong alagaan (ewan ko lang ha kasi professional breeder siya ako hinde). Sinibukan ko pang mag research sa internet. Nagulat ako kasi ayon sa mga post sa forum ng mga aalaga ng Goldsih ang tinatagal daw nun sa wild at kahit na din sa captivity ay 25 years. May nasa world record nga na isang captive Goldfish na tumagal hanggang 43 Years! Dito palang ay nakapagdecide na ako na balikan ang dati kong hilig na isda.

Pumunta agad ako sa Bio Research SM fairview branch.
XenaKung dati hindi ko pinapansin ang mga Nag gagandahang Goldfish nila ngayon ito agad ang NAKITAn ng mga singkit kong mata. Mga Telescopic eyes, Black Oranda, Ryukin, Red cap,Ranchu etc. At dahil medyo nagtitipid aki binili ko ang tig 122 na Calico Ryukin. Gulat ako kasi hindi ko napansin na 2 pcs na Ryukin ang 122 pesos. Ang galing! Parang bargain na din!

Meron na ulit akong 2 Common,3 Calico Ryukin at isang Telescopic eyes. Sana sa susunod makakita ako ng magandang Oranda. Sana naman ay tumagal ang buhay nila. Gagawin ko lahat para tumagal ang buhay nila. Susundin ko na ang mga payo ng iba pang mga hobbyist tungkol sa tamang pagpapakain (dahil dati na over feed) pati na din sa tubig. Ang mga pagkakamali ko sa pag-aalaga ko noon ay itatama ko na para mabuhay silang masigla’t masaya!
Beauty
China21
Ackbar6sized
2004_1207lily0003_001_sizedsized
Mushroom_headsized
Sa ngayon ay namamangha ako sa pagka elegante at gracefulness ng mga Goldfish. Syang nga lang at wala pa akong masyadong alam tugkol sa mga Goldfish noong mga panahon na iyun. Ngayon pagbubutihan ko na talaga ang pag -aalaga sa mga “living works of art” na ito..

Aloevera as an Image model?

Tuesday, May 24th, 2005

Joy3 Kaninang umaga sinubukan kong picturan si Aloevera ng kung anu-anong pose. Nakakatuwa ang kinalabasan. Hindi siya ganun kalikot picturan hindi katulad ng mga TAO! Sinubukan kong itabi siya sa mga boxes ng mga paninda namin. Hindi man lamang siya umiimik. Ang cute!!!!

Nescafe_1
tahimik lang siya habang pinipicturan.. Bagay na ba siyang maging commercial model?Joy2I’m very proud of her.

The Guinea Pig family

Tuesday, May 24th, 2005

Dsc02955Guys! Meet my family er, My Guinea Pig family. From left is my lovable 1 year old Aloevera and her two lovely little litters named China and Korea.

Dsc02957And now meet my 4 months old boar named Spirit. He’s the half brother of Aloevera.

Rainy Season

Tuesday, May 24th, 2005

Rain_180Medyo matagal tagal na rin simula noong huling post ko dito. Medyo tinamad lang kasi ako eh..hehehe…Okie! Sapalagay ko talagang patapos na nga ang summer. Tuwing gabi kasi ang lakas ng ulan. Minsan sa hapon umuulan. Mas gusto ko na ngayon ang panahon kasi nitong mga nakaraan na araw palaging amoy pawis ang damit ko. Hay… ang bilis naman ng panahon. Parang kamakailan lang noong nagbakasyon ngayon magpapasukan na? Come to think of it…Bakit nga ba tag-ulan ang pasukan?

Lost and Found DEAD

Monday, May 16th, 2005

Kahindikhindik and nangyari! Nakawala ang aking Lobster sa fish pond kung saan ko siya nilipat. Hanap ako ng hanap sa kanya kasi baka mamaya nasa tabi-tabi lang siya (Kasi kahapon nakawala din siya pero hindi siya gaano nakalayo). Sumuko na ako sa paghahanap kasi kailangan ko pang pumuntang school. Noong nasa school na ako tumawag ako sa bahay para magpa load. Sinabi nalang ng kasambahay namin na nakita na ang alaga ko kaya lang patay na. Nasagasaan daw siguro kasi hiwalay-hiwalay ang katawan.Malayo ang napuntahan niya, siguro  nasa 11 meters kasi labas na ng bahay namin yun. KAsalanan ko to! Sana nilagay ko na siya sa fish bowl dahil yun ang balak ko bago siya nakawala! Sayang talaga! Ika isang linggo pa naman sana niya ngayon… Sayang…

Rip_tombstone_2

Pangit ka Baluga Ako

Friday, May 13th, 2005

OST ng Stairway to Heaven (Bubble gang version)

Tcard

Pare ko, ang pangit mo…
ang tulis..
ng nguso mo!
mukha mo’y indi maipinta….
nag aalis ng sigla’t saya…

pangit ka… baluga ako…
hangang tawanan nalang ba tayo?…
di mo tanggap, deny to death ako…
ayaw mang gawin…
tawa’y di kayang pigilin…
pag kaming dalawa ay inyong napansin…

Pare ko, ang pangit mo…
ang tulis..
ng nguso mo!
mukha mo’y indi maipinta

wala na saming mag mamahal…
wala ng lalakeng mag tatagal…..
ohh……. ohh…

pangit ka… baluga ako…
hangang tawanan nalang ba tayo?…
di mo tanggap, deny to death ako…
ayaw mang gawin…
tawa’y di kayang pilitin…
pag kaming dalawa ay inyong napansin…

pag kaming dalawa…..
ay inyong napansin….

ACTORS:DIEGO at ung negra na kulot sa bubble gang.
SINGER:MICHEAL V.

My Dog named SEX

Thursday, May 12th, 2005

My Dog Named Sex

Dog

Everybody I know who has a dog usually calls him "Rover" or "Spot". I call mine Sex. Now, Sex has been very embarrassing to me. When I went to the City Hall to renew the dog’s license, I told the clerk that I would like a license for Sex. He said, "I would like to have one too!" Then I said, "But she is a dog!" He said he didn’t care what she looked like. I said, "You don’t understand. … I have had Sex since I was nine years old." He replied, "You must have been quite a strong boy." When I decided to get married, I told the minister that I would like to have Sex at the wedding. He told me to wait until after the wedding was over. I said, "But Sex has played a big part in my life and my whole world revolves around Sex." He said he didn’t want to hear about my personal life and would not marry us in his church. I told him everyone would enjoy having Sex at the wedding. The next day we were married at the Justice of the Peace. My family was barred from the church from then on.

When my wife and I went on our honeymoon, I took the dog with me. When we checked into the motel, I told the clerk that I wanted a room for me and my wife and a special room for Sex. He said that every room in the motel is a place for sex. I said, "You don’t understand. … Sex keeps me awake at night." The clerk said, "Me too!"

One day I entered Sex in a contest. But before the competition began, the dog ran away. Another contestant asked me why I was just looking around. I told him that I was going to have Sex in the contest. He said that I should have sold my own tickets. "You don’t understand," I said, "I hoped to have Sex on TV." He called me a show off.

When my wife and I separated, we went to court to fight for custody of the dog. I said, "Your Honor, I had Sex before I was married but Sex left me after I was married." The Judge said, "Same here!"

Last night Sex ran off again. I spent hours looking all over for her. A cop came over and asked me what I was doing in the alley at 4 o’clock in the morning. I said, "I’m looking for Sex." — My case comes up next Thursday.

Well now I’ve been thrown in jail, been divorced and had more damn troubles with that dog than I ever foresaw. Why just the other day when I went for my first session with the psychiatrist, she asked me, "What seems to be the trouble?" I replied, "Sex has been my best friend all my life but now it has left me for ever. I can’t live any longer being so lonely." and the doctor said, "Look mister, you should understand that sex isn’t a man’s best friend so go get yourself a dog."

Rain Gently falls (well…not really that gently)

Thursday, May 12th, 2005

I’m in a very very very good mood today kasi natupad na ang matagal kong hiling this summer… At eto ay ang UMULAN!!! Sa wakas after almost 5 weeks of suffering from a 37 to 42 degrees celcius of heat nakaramdam din ako ng lamig!! Blessing talaga eto. Pero….hindi kaya indication na ito na malapit nang magtapos ang summer? OH HINDI!!!Rain

Fortune Lobster

Tuesday, May 10th, 2005

Pagkagaling ko sa school kanina naisip kong bumili ng bago kong alaga. Naisip ko kung kakaiba kasi nagsasawa na ako sa ordinaryo. Naisip ko yung Fortune LobsterWobleylobster_1 na nasa Bioresearch. Nagdalawang isip muna ako habang nasa FX papuntang SM fairview. Nung nasa bioresearch na ako binasa ko mabuti yung description, "Fortune lobster is not a high maintenance pet. You can feed it with fish pellets etc…..". Doon palang nag decide na ako na kumuha ng bagong pet at yun ay ang Fortune Lobster! Sa ngayon magdamag parin akong nakatitig sa bago kong pet  (pero ngayon dito muna sa computer) na pinangalanan kong "Kingler". Nakakatuwa siya. Ewan ko ba kung paano ipapaliwanag sa inyo pero kahit Lobster siya cute siya at nakakagigil. Though 20 years ang lifespan nito, sana makatagal nga siyang ganun. Bukas susubukan kong i-hand tame siya!! 

Hot!!!

Sunday, May 8th, 2005

Warnhot Grabe talaga init ngayon dito sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila. The temperature hits 37 degrees celcius today and even yesterday. It is the hottest temperature in the history of the Philippines(well…maybe…)! Grabe talaga! Sa sobrang init yung electricfan namin bumigay na!Hay….Sana umulan na! Para malamigan nalang ako at makatipid sa koryente, nilinisan ko nalang ang mini fish pond namin. Well, yan talaga buhay dito sa Philippines.