Lost and Found DEAD

Kahindikhindik and nangyari! Nakawala ang aking Lobster sa fish pond kung saan ko siya nilipat. Hanap ako ng hanap sa kanya kasi baka mamaya nasa tabi-tabi lang siya (Kasi kahapon nakawala din siya pero hindi siya gaano nakalayo). Sumuko na ako sa paghahanap kasi kailangan ko pang pumuntang school. Noong nasa school na ako tumawag ako sa bahay para magpa load. Sinabi nalang ng kasambahay namin na nakita na ang alaga ko kaya lang patay na. Nasagasaan daw siguro kasi hiwalay-hiwalay ang katawan.Malayo ang napuntahan niya, siguro  nasa 11 meters kasi labas na ng bahay namin yun. KAsalanan ko to! Sana nilagay ko na siya sa fish bowl dahil yun ang balak ko bago siya nakawala! Sayang talaga! Ika isang linggo pa naman sana niya ngayon… Sayang…

Rip_tombstone_2

Leave a Reply