"May 4", importanteng araw ito sa mga kabarkada ko at lalo na sa akin. B-day ko ‘to at hindi ko to matatakasan kahit ano pa ang mangyari. Importante tong araw na to sa mga friends ko hindi dahil makakakain sila ng libre kung hindi magkakasama-sama uli kami ngayong bakasyon (reunion kung baga).
Kahapon nga ay nag b-day ako (18th b-day). At para maiba naman, sa Mall ko dinala ang mga friends ko (hindi dahil gusto ko lang maiba, dahil nga sobrang init). At dahil 12 pm na at gutom na kaming lahat, dinala ko na agad sila sa isa sa mga Fast food doon. Habang nakaplila para umorder ay napansin ko lang ang price ng mga pagkain doon. Medyo na shock ako kc nagtaas na naman (hay….economy, economy,economy)pero ok lang kasi nga 18 b-day ko to kailangan special (kaya nga nagastos ko 1062 pesos para sa 8 people).
Pagkatapos kumain ay pumunta agad kami sa isang photo studio doon. Pagkakatanda ko kasi hindi pa kami nakakapag papicture ng aking barkada sa isang photo studio. Pagkatapos ng magulong pictorial ay naglakad lakad nalang kami sa loob ng Mall para hintayin madevelope ang pics.At after 30 min. kinuha na namin ang pics at tuwang tuwang tiningnan ang mga ENGOT na pagmumukha namin dun.
Pagkatapos naming kunin ang pic nag decide na kaming umuwi. Naiwan sila Den-den at Margie (iba naming kasama) sa mall kaya kami nalang nila Carlo, Yayi, Virgie,Cathy at Eloi ang umuwi. habang nasa waiting shed para maghintay ng "napakatagal na dumating na jeep ng TALA" ay inaliw namin ang sarili. Nagkwentuhan kami tungkol sa BULAGAAN ng EAT BULAGA. Pinag uusapan namin si Jimmy Santos kasi feeling namin masyado siyang naaapi sa BULAGAAN kaya Umabsent ng 2 araw. Naalala ko din ang nakakatawang line ni Jose na sinasabi niya kay Jimmy. "BUTI NALANG TANGA" (na may kasabay na familiar na tono). Tawa kami ng tawa, at after 40 years dumating na din ang Jeep ng TALA.
Sa wakes at naka-uwi na din kami ng bandang 3:00, kaya lang noong bubuksan na namin yung tv biglang nag brown out. Ang init-init na nga mag bra-brown out pa! Kaya ang ginawa naming ay nagpunta nalang kami kanila Gelai at binisita naming siya at ang baby niya.Pagkatapos ng mahabang oras ng talakayan ay nagsiuwian na kami. Ang natatandaan ko lang kahapon ang pinakahuli kong ginawa pagkatapos kong manoond ng All About Eve ay nakatitig lang ako sa Picture naming at iniisip ko, “Sana sa susunod sa photographer ng Darna, Encantadia, Mulawin at Forever in my Heart kami nagpakuha”.
Hayun! At dyan natapos ang b-day ko. Simple pero MAGULO. Sana maulit pa ito pero dapat kumpleto at mas magulo pa kami.