Archive for June, 2005

Weekends on Weekdays?

Wednesday, June 29th, 2005

Hay…. Sarap mag relax kasi dalawang araw kaming walang pasok. Yes! Tuesday and Wednesday ala kaming pasok. At ito lang ang araw na wala kaming pasok! Ang sunday namin MERON din! Nakakainis nga eh. Imbis na dapat tatlong araw kaming walang pasok naging dalawa nmalang dahil sa Health Care. Parang ganito tuloy ang pasok namen, Ang monday namin ay Thursday, ang Friday namin ay Monday. Grabe noh? Eto na siguro ang Pinakapangit na Schedule ng school na ito! Feeling ko nga eh malaki ang galit ng registrar sa sec 6. Nakakainis talaga!!!!

Grrr!!!!!!!

Tuesday, June 28th, 2005

Untitledtruecolor01
"Bakit ba ang sungit mo? May nasabi ba ako? May nagawa ba ako o hindi ginawa? Ano?!", yan ang mga katagang gusto kong sabihin sa friend/classmate kong ito. Nitong mga nakaraang araw kasi parang ang init ng ulo niya sa akin. Hindi ko sya maka-usap ng matino. Tatablahin lang ako pagnagtatanong ako sa kanya.Pag siya naman ang nagtatanong sa akin maayos akong sasagot. Ewan ko ba kung anong nangyayari dito?Minsan ok minsan hindi. Hindi kaya dahil babae siya meron siya ngayon? Pero hindi eh, sa ibang tao maayos ang pakikitungo niya sa akin lang talaga hindi. Nagsisimula na akong magtampo sa kanya at nagsisimula na din akong magalit sa kanya.Noong saturday nakasabay ko sya sa stairs ng school at silent treatment lang ang binigay sa akin ayaw akong kausapin , parang gusto na siyang itulak pababa dahil naiinis na talaga ako. Grrrr!!!!!! Kaunting panahon pa, kunti pa. Kung hindi siya magbababago baka masigawan ko na siya. Sana nga sabihin na niya sa akin kung anu ang problem niya sa akin para hindi ganitong nagagalit ako sa kanya at ganun din siya. Ayokong mawala ang friendship namin dahil dito. Sana bumalik na siya sa dati…

Swimming

Wednesday, June 22nd, 2005

Grabe, grabe,grabe! Grabe talaga ang swimming lalo na pag nag-aaral ka palang. Ngayong araw ay nag start na ang aming Swimming para sa PE subject. Ang masasasabi ko masaya pero nakakapagod. Sa sobrang pagod parang ayaw kong ituloy ang pag type nito.

Buti nalang medyo may natutunan ako at yun ay ang pag sisid ng matagal.Kahit na sumakit na ang tiyan ko kakahigop ng tubig sa poo, hala sige sisid parin. Ang nakaka inis lang ay ang kasunod namin subject. Mahirap ang kasunod namin dahil ito ay ANA LAB. Kailangang gising ang utak namin. Sabi ng prof namin sa PE matulog pagkatapos ng PE, pero sa kalagayan ko ngayon na ubod ng layo ang bahay sa school paano ako makakatulog!!!!!!!!! Wala pa naman akong matulugan dito. BAsta, sana sa loob ng 5 buwan maka survive me sa PE, hindi lang sa PE kungdi sa lahat na ng subjects!

Swimming

First Day Funk

Wednesday, June 15th, 2005

Hay…Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang noong huling nagpa picture taking kami ng mga classmate ko para sa last day namin sa school, ngayon naman pasukan na. Ang bilis talaga no? Marami akong ma mimiss sa bakasyon. Nandyan yung magdadamo ako para sa mga Guinea Pigs ko, Maglilinis ng Fish Pond, Titingnan ang mga isda namin, magnonood ng TV (hehehe). Ang inaalala ko lang ngayong pasukan ay ang schedule ko. Sa akin pa nupunta ang gabing-gabing uwi. Ako na nga ata ang may pinakamalayong inuuwian sa akin pa napunta yun. NAKAKAINIS TALAGA!!!!!!Nahiwalay pa ako sa iba ko pang classmates noong freshman palang ako. Buti nalang kasama ko sila MArasigan at Victor. Sana naman, gaya kay Christine Girado, ay matitino ang mga classmates ko. Eto na, bagong taon ng mas mahirap na pag-aaral ay uumpisahan ko na. Sana gabayan ako ng Diyos parati.The_first_day_of_school_a

Cold and Flu

Saturday, June 4th, 2005

Naku eto na, tinablan na ata ako ng pabago bagong panahon dito sa Pilipinas. Actually kahapon ko pa nnararamdaman ito. Masakit ang ulo ko at antok na antok kasabay ng pagbahing na napakalakas. Grabe, akalaColdko magkakatrangkaso pa ako buti nalang at naagapan. Tinulugan ko nalang kanina ang sakit ko.