Grrr!!!!!!!

"Bakit ba ang sungit mo? May nasabi ba ako? May nagawa ba ako o hindi ginawa? Ano?!", yan ang mga katagang gusto kong sabihin sa friend/classmate kong ito. Nitong mga nakaraang araw kasi parang ang init ng ulo niya sa akin. Hindi ko sya maka-usap ng matino. Tatablahin lang ako pagnagtatanong ako sa kanya.Pag siya naman ang nagtatanong sa akin maayos akong sasagot. Ewan ko ba kung anong nangyayari dito?Minsan ok minsan hindi. Hindi kaya dahil babae siya meron siya ngayon? Pero hindi eh, sa ibang tao maayos ang pakikitungo niya sa akin lang talaga hindi. Nagsisimula na akong magtampo sa kanya at nagsisimula na din akong magalit sa kanya.Noong saturday nakasabay ko sya sa stairs ng school at silent treatment lang ang binigay sa akin ayaw akong kausapin , parang gusto na siyang itulak pababa dahil naiinis na talaga ako. Grrrr!!!!!! Kaunting panahon pa, kunti pa. Kung hindi siya magbababago baka masigawan ko na siya. Sana nga sabihin na niya sa akin kung anu ang problem niya sa akin para hindi ganitong nagagalit ako sa kanya at ganun din siya. Ayokong mawala ang friendship namin dahil dito. Sana bumalik na siya sa dati…