Swimming

Grabe, grabe,grabe! Grabe talaga ang swimming lalo na pag nag-aaral ka palang. Ngayong araw ay nag start na ang aming Swimming para sa PE subject. Ang masasasabi ko masaya pero nakakapagod. Sa sobrang pagod parang ayaw kong ituloy ang pag type nito.

Buti nalang medyo may natutunan ako at yun ay ang pag sisid ng matagal.Kahit na sumakit na ang tiyan ko kakahigop ng tubig sa poo, hala sige sisid parin. Ang nakaka inis lang ay ang kasunod namin subject. Mahirap ang kasunod namin dahil ito ay ANA LAB. Kailangang gising ang utak namin. Sabi ng prof namin sa PE matulog pagkatapos ng PE, pero sa kalagayan ko ngayon na ubod ng layo ang bahay sa school paano ako makakatulog!!!!!!!!! Wala pa naman akong matulugan dito. BAsta, sana sa loob ng 5 buwan maka survive me sa PE, hindi lang sa PE kungdi sa lahat na ng subjects!

Swimming

Leave a Reply