Archive for July, 2005

Zombie Dogs….creepy…

Sunday, July 31st, 2005

Wild_dogSCIENTISTS have created eerie zombie dogs, reanimating the canines after several hours of clinical death in attempts to develop suspended animation for humans.
US scientists have succeeded in reviving the dogs after three hours of clinical death, paving the way for trials on humans within years.

Pittsburgh’s Safar Centre for Resuscitation Research has developed a technique in which subject’s veins are drained of blood and filled with an ice-cold salt solution.

The animals are considered scientifically dead, as they stop breathing and have no heartbeat or brain activity.

But three hours later, their blood is replaced and the zombie dogs are brought back to life with an electric shock.

Plans to test the technique on humans should be realised within a year, according to the Safar Centre.

However rather than sending people to sleep for years, then bringing them back to life to benefit from medical advances, the boffins would be happy to keep people in this state for just a few hours,

But even this should be enough to save lives such as battlefield casualties and victims of stabbings or gunshot wounds, who have suffered huge blood loss.

During the procedure blood is replaced with saline solution at a few degrees above zero. The dogs’ body temperature drops to only 7C, compared with the usual 37C, inducing a state of hypothermia before death.

Although the animals are clinically dead, their tissues and organs are perfectly preserved.

Damaged blood vessels and tissues can then be repaired via surgery. The dogs are brought back to life by returning the blood to their bodies,giving them 100 per cent oxygen and applying electric shocks to restart their hearts.

Tests show they are perfectly normal, with no brain damage.

“The results are stunning. I think in 10 years we will be able to prevent death in a certain segment of those using this technology,” said one US battlefield doctor.

From:Boffins create zombie dogs
By Nick Buchan of NEWS.com.au

Reunion in a Departmentalized Exam

Saturday, July 30th, 2005

Cover_daw
Grabe ang exam kanina sa Health Care. aaminin ko, medyo nahirapan ako. Feeling ko pa sa HC lec babagsak ako. Sana kahit pasang awa lang. Pero buti nalang at tapos na din itong exam sa Health Care. Nakaka drain din ng utak ang mga pinaggagagawa namin dito. At siguradong mas nakakadrain ng utak ang mga susunod pang mga exam.

Well, dahil nga departmentalized exam ito, nagkitakita uli kami ng mga dati kong classmate noong 1st yr College. Parang reunion ang dating. Nagkasabay-sabay pa kaming kumain sa paborito naming kainan , ang TITA BEBS!!!!!!!! Ang dami pa naming napag-usapan like ung mga pinaggagagawa namin sa PE, Kamusta ang prof mo, masungit ba, mahirap bang magturo, si ganyan may bago nang BF, etc. Nakakatuwa talaga… Sana nga palagi nalang departmentalize para magkasama-sama kaming muli. Hanggang sa susunod na Exam nalang sa Health Care sana makapasa tayong lahat!!!!!

Funeral

Sunday, July 24th, 2005

FuneralWierd pero may napapansin lang ako. Ito na ang 2 beses na ngkikita kami ng mga HS friends and classmates ko sa isang funeral. Una, sa lamay ng Nanay ni April at ngayon naman kanila Juvie. Normal lang sa aming magkita ng mga HS friends ko pag summer at sembreak pero kadalasan, maliban sa reunion, nagkikitakita kami sa isang funeral. Diba parang wierd nga? Ayokong mag-isip ng masama pero pangalawang beses na nga ito at sa magkasunod na buwan pa. Last year sa lamay ng nanay ni April ay August nangyari at ngayon kay Juvie ay July.NAKAKATAKOT!!!! Wag sana sa susunod eh sa ganitong paraan uli kami magkakasama sama. Wag sana….

Goodbye Juvie….Goodbye..

Sunday, July 24th, 2005

Thursday ng Gabi,July 21, habang nasa loob ng fx papuntang phase 5 Bagong Silang ay may natanggap akong txt mula sa high school friend ko na si Cathy. Ang sabi sa txt nya, “Migs si Juvie nagtangkang magpakamatay”, (si Juvie ay isa rin sa mga hs friend ko) Medyo nag-alala ako nung nabasa ko yun pero dahil nga may nakalagay na word na “nagtangka” inisip ko na Ok na siya at ligtas na sa panganib. Bandang 9 ng gabi at kakauwi ko lang sa bahay, habang nagrereview ako at naka charge ang phone ko, nagtxt ang kaibigan kong teacher sa dati ko din HS school, na si Maam Fe, “Migs si Juvie patay na…….”, medyo na shock ako dun at kung anu-ano ang naiisip. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Pero si Ma’am Fe ay kapit bahay ni Juvie kaya baka totoo. Nagtanong uli ako kay Cathy, ang sabi niya buhay pa daw si Juvie noong nasa Ospital. Ginawa ko nalang ay nagdasal na sana ligtas nga si Juvie sa panganib.

Kinabukasan, habang nasa SACI at naghahanda para sa aming quiz sa Computer ay biglang maraming nag si txt sa akin. Puro mga classmate ko noong HS. Confirm na nga, Patay na nga si Juvie. Nagbigti siya at sa Ospital na binawian ng buhay mga bandang 8 ng umaga. Marami sa amin ang naguluhan. Pero iniisip ko ngayon ay yung best friend niya na si Paola. Baka maka-apekto sa pag-aaral niya ang nangyari. Tinxt ko na siya gabi ng Thursday noong nalaman ko na may nangyari nga kay Juvie. Pero ang sabi ko sa txt na hindi pa sure. Tinxt ko uli si Paola noong confirm na nga na namatay si Juvie. Medyo nagulat akon sa txt niya kasi parang bale wala ,pero naisip ko na ang relihiyon niya ay iba kaya baka ganun nalang ang perception niya sa patay. Nabanggit na din niya dati na ang mga tiga Ang Dating Daan pag may namatay na ay hindi na dadalawin sa puntod kahit araw ng patay. Halos parehas sila ni April noong namatay ang Nanay niya.

Saturday ng Hapon. Pagka-uwi ko galing sa SACI ay nagpunta agad ako kanila Juvie para dumalaw sa Lamay niya. Kahit hindi ko alam ang papunta ay nagsumikap akong hanapin ang bahay niya. Buti nalang at tabi lang sila ng Kalsada at madaling hanapin at tsaka madaling magtanong lang sa mga tao dahil kumalat nmga ito sa buong lugar namin at napabalita pa sa TV at radio. Sumalubong sa akin ay ang Tatay niya (ewan ko kung yun nga tatay niya pero magkamukha sila eh). Habang titiningnan ko ang mga labi niya para ang daming sumasagi sa isip ko. “Parang 3 weeks or 4 weeks ago lang noong nakita ko siya at nginitian pa niya ako, parang kailan lang noong nagsasabay kaming magsimba…..”) Sa kabaong ay may nakalagay na mga pictures ni Juvie noong debu niya 4 days before her death. Sa bawat litrato ay Masayang mukha ni Juvie ang mababanaag. Walng bahid ng kalungkutan o problema..Hindi mo akalain na pagkatapos ng 4 na araw ay mawawala na siya sa mundong ito.

Maraming naging tsismis ang naglabasan kung bakit nagpakamatay siya. Una ay ang grades daw niya ay masayadong mababa. Pangalawa ay ang kalupitan ng step father niya, pangatlo ay ang pagrape daw sa kanya ng step father niya at ang pang apat ay ang pagtutol ng magulang niya sa realasyon niya sa kanyang BF. Kung naghingi lang sana siya ng tulong sa mga kaibigan niya ay baka hindi pa nangyari ang lahat ng ito. Gaya nga ng sinabi ni Gladys( close friend ni Juvie) , ” Yan ang side effect ng pagiging tahimik…”, kung tutuusin tama nga siya. Masayadong malihim nga ang mga taong matatahimik. Pero hindi na namin mababawi ang nangyari… Juvie, kung nasaan ka man ngayon mamimiss ka namin lalo na ang mga kabarkada mo na sila Paola, Gladys, Marilyn , Aldine at Mae. Sana mapayapa ang ang puso mo… Goodbye Juvie…Goodbye….

Stress

Saturday, July 16th, 2005

StressconfusionchokeMalapit ko nang makalimutan ang meaning ng PAHINGA. Malapit ko nang malimutan ang dahilan ng PAHINGA. Malapit ko nang malimutan ang silbi ng PAHINGA. Malapit ko nang …….BAsta…Malapit na……

Malapit ko nang idikit ang salitang STRESS sa aking sarili. Malapit ko nang malaman kung bakit may STRESS ang isang tao. Malapit ko nang matikman ang mga sandali na puro STRESS ang pagkain ko. Malapit ko nang maging kamukha ang STRESS. Malapit na akong mabaliw dahil sa STRESS.

Sana matapos na ang lahat ng ito…..

Memorize, memorize, memorize!!!!

Thursday, July 7th, 2005

Memorize, memorize, memorize!!!! Yan ang mga katagang palagi ko nang naririnig sa mga prof ko ngayon. Walang sawang memorization! MAy quiz kinahapunan, may long quiz kinabukasan! Anu ba!!!!?????? Hindi computer utak namen!!! Kung maganda lang sana ang sked namen, edi sana hindi kami magrereklamo ng ganito! Bakit ba nila kami pinahihirapan ng husto?! Baket!!!! Eto na talaga ang buhay ng isang college student!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!16118083

New look!!!!!

Saturday, July 2nd, 2005

Logofriendstersmall
Well, well, well, may new look na naman ang friendster and this is for worst! Ayoko ng bagong look lalo na sa mga profile.BAkit naman ganito? Pero sana lagyan na nila ng chat ang Friendster Philippines nila at mas marami pang pics na pwedeng i upload sa profile!!! Sana ganun nalang.