Funeral
Wierd pero may napapansin lang ako. Ito na ang 2 beses na ngkikita kami ng mga HS friends and classmates ko sa isang funeral. Una, sa lamay ng Nanay ni April at ngayon naman kanila Juvie. Normal lang sa aming magkita ng mga HS friends ko pag summer at sembreak pero kadalasan, maliban sa reunion, nagkikitakita kami sa isang funeral. Diba parang wierd nga? Ayokong mag-isip ng masama pero pangalawang beses na nga ito at sa magkasunod na buwan pa. Last year sa lamay ng nanay ni April ay August nangyari at ngayon kay Juvie ay July.NAKAKATAKOT!!!! Wag sana sa susunod eh sa ganitong paraan uli kami magkakasama sama. Wag sana….