Goodbye Juvie….Goodbye..
Thursday ng Gabi,July 21, habang nasa loob ng fx papuntang phase 5 Bagong Silang ay may natanggap akong txt mula sa high school friend ko na si Cathy. Ang sabi sa txt nya, “Migs si Juvie nagtangkang magpakamatay”, (si Juvie ay isa rin sa mga hs friend ko) Medyo nag-alala ako nung nabasa ko yun pero dahil nga may nakalagay na word na “nagtangka” inisip ko na Ok na siya at ligtas na sa panganib. Bandang 9 ng gabi at kakauwi ko lang sa bahay, habang nagrereview ako at naka charge ang phone ko, nagtxt ang kaibigan kong teacher sa dati ko din HS school, na si Maam Fe, “Migs si Juvie patay na…….”, medyo na shock ako dun at kung anu-ano ang naiisip. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Pero si Ma’am Fe ay kapit bahay ni Juvie kaya baka totoo. Nagtanong uli ako kay Cathy, ang sabi niya buhay pa daw si Juvie noong nasa Ospital. Ginawa ko nalang ay nagdasal na sana ligtas nga si Juvie sa panganib.
Kinabukasan, habang nasa SACI at naghahanda para sa aming quiz sa Computer ay biglang maraming nag si txt sa akin. Puro mga classmate ko noong HS. Confirm na nga, Patay na nga si Juvie. Nagbigti siya at sa Ospital na binawian ng buhay mga bandang 8 ng umaga. Marami sa amin ang naguluhan. Pero iniisip ko ngayon ay yung best friend niya na si Paola. Baka maka-apekto sa pag-aaral niya ang nangyari. Tinxt ko na siya gabi ng Thursday noong nalaman ko na may nangyari nga kay Juvie. Pero ang sabi ko sa txt na hindi pa sure. Tinxt ko uli si Paola noong confirm na nga na namatay si Juvie. Medyo nagulat akon sa txt niya kasi parang bale wala ,pero naisip ko na ang relihiyon niya ay iba kaya baka ganun nalang ang perception niya sa patay. Nabanggit na din niya dati na ang mga tiga Ang Dating Daan pag may namatay na ay hindi na dadalawin sa puntod kahit araw ng patay. Halos parehas sila ni April noong namatay ang Nanay niya.
Saturday ng Hapon. Pagka-uwi ko galing sa SACI ay nagpunta agad ako kanila Juvie para dumalaw sa Lamay niya. Kahit hindi ko alam ang papunta ay nagsumikap akong hanapin ang bahay niya. Buti nalang at tabi lang sila ng Kalsada at madaling hanapin at tsaka madaling magtanong lang sa mga tao dahil kumalat nmga ito sa buong lugar namin at napabalita pa sa TV at radio. Sumalubong sa akin ay ang Tatay niya (ewan ko kung yun nga tatay niya pero magkamukha sila eh). Habang titiningnan ko ang mga labi niya para ang daming sumasagi sa isip ko. “Parang 3 weeks or 4 weeks ago lang noong nakita ko siya at nginitian pa niya ako, parang kailan lang noong nagsasabay kaming magsimba…..”) Sa kabaong ay may nakalagay na mga pictures ni Juvie noong debu niya 4 days before her death. Sa bawat litrato ay Masayang mukha ni Juvie ang mababanaag. Walng bahid ng kalungkutan o problema..Hindi mo akalain na pagkatapos ng 4 na araw ay mawawala na siya sa mundong ito.
Maraming naging tsismis ang naglabasan kung bakit nagpakamatay siya. Una ay ang grades daw niya ay masayadong mababa. Pangalawa ay ang kalupitan ng step father niya, pangatlo ay ang pagrape daw sa kanya ng step father niya at ang pang apat ay ang pagtutol ng magulang niya sa realasyon niya sa kanyang BF. Kung naghingi lang sana siya ng tulong sa mga kaibigan niya ay baka hindi pa nangyari ang lahat ng ito. Gaya nga ng sinabi ni Gladys( close friend ni Juvie) , ” Yan ang side effect ng pagiging tahimik…”, kung tutuusin tama nga siya. Masayadong malihim nga ang mga taong matatahimik. Pero hindi na namin mababawi ang nangyari… Juvie, kung nasaan ka man ngayon mamimiss ka namin lalo na ang mga kabarkada mo na sila Paola, Gladys, Marilyn , Aldine at Mae. Sana mapayapa ang ang puso mo… Goodbye Juvie…Goodbye….