Reunion in a Departmentalized Exam

Grabe ang exam kanina sa Health Care. aaminin ko, medyo nahirapan ako. Feeling ko pa sa HC lec babagsak ako. Sana kahit pasang awa lang. Pero buti nalang at tapos na din itong exam sa Health Care. Nakaka drain din ng utak ang mga pinaggagagawa namin dito. At siguradong mas nakakadrain ng utak ang mga susunod pang mga exam.
Well, dahil nga departmentalized exam ito, nagkitakita uli kami ng mga dati kong classmate noong 1st yr College. Parang reunion ang dating. Nagkasabay-sabay pa kaming kumain sa paborito naming kainan , ang TITA BEBS!!!!!!!! Ang dami pa naming napag-usapan like ung mga pinaggagagawa namin sa PE, Kamusta ang prof mo, masungit ba, mahirap bang magturo, si ganyan may bago nang BF, etc. Nakakatuwa talaga… Sana nga palagi nalang departmentalize para magkasama-sama kaming muli. Hanggang sa susunod na Exam nalang sa Health Care sana makapasa tayong lahat!!!!!