Mga Kwento ni lola Basyang
Sunday, August 28th, 2005At last! After El Filibusterismo may napanood na din a kong stage play na matatawag kong Napakaganda! "Mga Kwento ni Lola Basyang" ay isang musical play about sa mga Kwento ni Lola Basyang na unti-unti nang nalilimutan at muling binubuhay sa pamamagitan ng tatlong mga bata (er, malalaki na sila actually) na patuloy na gumugunita sa mga kwento ni Lola Basyang. Ibang-iba talaga itong Play na ito. Malayo sa napaka pangit na Hasyenda Animal!
Bago namin pinanood ito eh napakarami nang negative na opion ang naririnig ko sa mga classmates ko at syempre parang ganun din ang naisip ko. Paano ba naman, title palang feeling namin PAMBATA at ang ticket…ANG MAHAL 200 pesos!!!! Nag-iba ang lahat nito nang magumpisa na kaming manood sa SM center point.Umpisa palang napahanga na kami dahil nga musical at may sayaw pa.Hanggang sa nagpatuloy na nga ang kwento. May tatlong kwento ito, ang una ay Ang Prinsipeng Mahaba ang Ilong. Pangalawa naman ang ang kahanga-hangang "Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari/Datu". At ang Pinakamaganda at nakakatawa sa lahat ay Ang Prinsipeng Duwag. Hindi siya ganun ka corny. Ok lang at talagang sulit ang ticket.Ang tanging pangit lang ay ang set. Una namangha kami dahil ang daming gamit ng parang telang cylinder pero habang tumatagal napapansin namin yun lang din ang ginagamit. Pero kahit na ganun OK parin. Kitang-kita sa mga manonood habang palabas sa sinehan ang kanilang kasiyahan.
Eto pa ang nakaktuwa, kahit na mahal ang souvenir ay bumili parin kami. At buti nalang pinaunlakan kami ng mga artista na magpa Authograph!!!
si ana liza at ako kasama ang isa sa mga artista na si Lotlot Bustamante
Sana palaging ganito ang mga stage play na panonoorin namin para mas ganahan pa kaming mga estudyante na manood ng mga ganitong uri ng pagtatanghal. Sige.. Hanggang sa susunod!!









