New Friends

Ang bilis ng panahon. August na at sa susunod na buwan “ber” month na. MALAPIT NA ANG PASKO!!!!!!! At sa loob ng Tatlong buwan na pagiging 2nd year college ay marami na akong nakilalang bagong mukha at mukhang marami akong babatiin sa Pasko (take note “batiin” lang kasi naghihirap na buhay ngayon alang pang regalo). Sinu-sino ba ang mga bago kong friends na sa ngayon ay masasabi kong parang HS barkada ko na talgang very ka close ko? Eto SILA!!!!

Anana Si Ana Liza. Siya ang masasabi kong pinaka close ko. Hindi pa ako nagkakaroon ng kaibigan na talagang kaparehas ko ( hindi ko alam kung dahil ba parehas kaming nakasalamin o parehas kaming buang!)(minsan sinasabi niya na kabaliktaran ko nga siya , Masungit siya, ako hindi). Paano nga ba kami naging magka close nito? Ewan ko hindi ko na naaalala kasi parang hindi ko na alam dahil palagi nga kaming magkasama. Tawag ko dito Mama bear tawag niya sa akin Papa bear at kay Ally Rose babay bear , nagumpisa yun noong napakanta ako ng “May tatlong bear sa loob ng isang bahay…” at yun napakanta na yung dalawa.

Ally_rose SI Ally Rose ang baby namin ni Ana Liza. akala ko noon mataray pero hindi pala! Ako ko noon makulit pero mas makulit parin pala ako. Akala niya kamag-anag niya ako kasi Reyes gitna niya..hehehehe Si Ally Rose mahinhin na makulit. Ubod ng kulit. Ang cute pa pagngumingiti. Parehas pa kami ng gustong pagkainan , “TITA BEBS”.Mahilig niyang picturan ang sarili niya pero may kilala pa akong tao na talagang puro sa siya ang laman ng cam ko kasi mahilig ding picturan ang sarili talo pa si Ally Rose….

Image479 Si Aubrey ang babeng malakas ang boses at full of confidence. Akala ko plastic pero hindi (well…hindi unti lang). Magaling kumanta at talagang nakakarelax ang boses. At dahil nga malakas ang boses, bagay nabagay siyang magreport sa harap ng klase.

Jezza
SI Jezza, small but when you hear her voice you’ll be going terrible! Ang cute ng boses nito. Best friend siya ni Aubrey at hindi sila naghihiwalay. Malapit na nga silang maging magkamukha eh.

JamesSi James Tan “the Chinito Loco”. Inspiration dati ni Ana Liza ngayo Expiration na. Isang Ilocanong Intsik and you know what that means…. KURIPOT! Pero kahit ganyan yan eh mabuting friend yan. Minsan nga lang nawawala sa sarili..Hindi maintindihan.

Paolo_2Si Paolo, hindi ko naman gaanong ka close pero maaasahan pag gusto mong mag online gaming o mag internet. Maaasahan mo din siya pag gusto mong magwala. Magaling magpatawa at minsan may sayad pero nakakatawa.

Dsc03481And last but not least, Si Kay. Ang pinaka charming and sweet sa lahat ng 216. Conscious siya sa sarili niya at isa siya vegietarian at minsan lang kumain ng kanin. Matagal nang naghahanap ng Mr. Right at kinikilig pag nakakakita ng mga magsyota. Matalino din siya at napakabait.

Yan ang mga bago kong friend sa bago kong section. Sana magtagal pa ang friendship namin at sana madagdagan pa sila. Hanggang dito nalang!! Paalam!

Leave a Reply