Archive for September, 2005

Aloevera’s new babies!!!!

Saturday, September 17th, 2005

Yeahey! Kahapon nga ay Naganak na naman si Aloevera pero tuwang tuwa kami lalo na ang lola ko kasi magaganda ang mga bagong anak ni Aloevera!!! Nagtataka lang kami kasi parehas na brown AGOUTI ang kulay ni Aloevera at ang kanyang Asawa pero ang lumabas ay isang smoot brwon color at isang Agouti gray ang lumabas. At eto pa, Parehas na PULA ang mga mata. NAKAKATUWA!!!! Eto ang mga pics nila. One day old palang sila nyan. Kasama nila ang kanilang ina na si Aloevera.Guinea
Dsc04390
Sa ngayon, hindi ko pa pinapangalanan ang dalawa. Isang linggo ko muna sila oobserbahan bago ko sila papangalanan.Dsc04389
Dsc04396
Dsc04394
Dsc04397

SURPRISE!!!!!

Sunday, September 11th, 2005

Sabado, sinabi sa amin ng aming prof na mag-aral mabuti para sa aming health care exam dahil mahirap at talagang magugulat kami sa makikita namin. Hindi kami nasindak kaya kanina……Grabe..Nasurpresa nga kami. Situational ang naging test. Halos hindi ko alam kung may tama ba akong naisagot. Ni hindi ko alam kung makakapasa ako doon. Ang type ng test na iyun ang sasala talaga sa mga magagaling at sa mga puro kabisado lamang ang alam. alam kong hindi ako makakapasa doon dahil parang mahina ako sa mga ganoon. Sana naman…sana naman…WAAH!!!!!

“Ber” month na!!!!!

Saturday, September 3rd, 2005

Dyos ko po!!!! Ang bilis ng panahon September na “BER” month na!!! Malapit na ang pasko!!!!!!! Matuloy kaya ang trip ko sa Japan sa December? Sana nga para makasama ko na din ang mommy ko!!! Sige ito lang ang masasabi ko ngayon! Sige! Bye!