Let’s start!!!!
Wednesday, June 14th, 2006
Hay…Pasukan na naman. Umpisa na naman ng paghihirap ng bawat studyante sa mga buhay-buhay nila. Umpisa na naman ng walang katapusan na pagmememorize
ng mga kung anu-anong mga terminologies at mga pangalan ng mga disease na nakaka bulol. Umpisa na din ang pakikisalamuha sa mga iba’t-ibang tao sa campus, mga kaibigan mo man o mga taong ayaw mo (mga masusungit na prof, mayayabang
at mga plastic
na mga studyante, etc). Umpisa na din ng sandamakmak na gastusin sa eskwelahan. At higit sa lahat….Umpisa na din ng TAG-ULAN!!!!
OMIGOD!!!!

































